UA-72902290-1 page contentsVice President Jejomar Binay of "UNA" Philippines stands above all others as a true champion of Filipino people throughout the country and the Filipino people in foreign lands. He does not just talk the talk, but he walks the walk! Meron pa bang makahihigit pa sa nagawa at ginagawa ni VP Binay para sa Bayan at Mamamayang Pilipino? Hindi kayang tularan ng iba pang kakandidatong pagka-Presidente si VP Binay. Siya lang ang may kakayahan para magbigay ng tunay na serbisyo sa Bayan at sa mga Pilipinong nangangarap ng totoong pagbabago sa pamamalakad ng Makataong Gobyerno at para maiangat ang pamumuhay ng bawat Pinoy. VP Binay is Destined to Become The Next President of The PhilippinesSiya ay Itinakdang Ama ng Perlas ng Silangan... 'Di maikukubli ang pagiging ama Inialay ang buong panahon niya Sa kan'yang ulo'y kumikinang Korona ng lakas, pag-asa't tagumpay... Si VP Binay ay itinakda ng tadhana Na maging ama ng Perlas ng Silangan Gintong adhikaing kan'yang iaalay Kay Inang-bayan na kan'yang minamahal... Sa gitna ng walang humpay na mga pagbatikos Ng mga taong walang prinong umuusig Pangalan n'ya, pagkatao't buong angkan Hinahatak pababa hanggang sila'y dumapa... Tinutulak sa kasal-anang Pagnanaka't pandarambong Sa kaban ng Makati na kan'yang binihisan Hinaplos ng totoong serbisyo't pagmamahal... Makirot, masakit sa isipa'y nagwawala Bombang sumasabog kalawang ang dala Ipinupunla sa mga isipan ng mapitagang madla Lasong nakamamatay kung 'di mapupuksa! Ngayon, sino ang pinipintig ng iyong puso Kabayang kong nagugulumihana't tulero Sila ba na wala pang napapatunayang serbisyong totoo O si VP Binay kung maglingkod ay tapat at bukas-palad? Senator TG Guingona on Vice President Jejomar Binay's Blue Ribbon snub - video rights to Rappler VP Binay Deserves Respect and LoveNang magsimulang iwagayway sa madla ang mga paratang kay VP Binay ng pagnanakaw kuno ng kaban ng bayan - marami sa mga kababayan natin ang natulero at nagulumihanan - mga nagtatanong kung ang lahat ng mga naglalabasang aligasyon laban sa ating pangalawang pangulo ng Perlas ng Silangan ay totoo ba o sadyang mga paratang lamang upang sirain ang dignidad at pagkatao ni VP Binay kasama ang kaniyang buong angkan. Nakakarimarim ang ganitong sitwasyon - ang mga paratang laban kay VP Binay ay pilit ipinupunla ng mga kalaban sa isipan ng mga mamamayang Pilipino sa pag-asang mapahiya, malugmok at masiraan ng bait ang pangalawang pangulo. Magmula nang simulan ang Senate Blue Ribbon Committee Hearing laban kay VP Binay sa pamumuno ni Senador Pimentel, Cayetano at Trillanes - ang daming naglalabasang mga resource persons daw upang idiin ang pangalawang pangulo ng bansang Pilipinas sa kasalanan ng pandarambong - nguni't magpahanggang ngayon ay ni isa sa mga aligasyon na ibinabato kay VP ay wala pang napapatunayan. At dahil sa naglalabasang mga artikulo na mababasa natin sa iba't-ibang pahayagan: print media o internet man - hindi maikakaila na ang mga suporters ng mga politikong kalaban ni VP Binay ay paniwalang-paniwala at kung ituring nila ang pangalawang presidente ay isang kriminal na dapat usigin hanggang na siya ay mapasok sa kulungan ng mga makasalaanan. Hindi na nila magawang igalang ang pangalawang pangulo ng Pilipinas. Oo. Ang bawa't isa sa atin ay maykanikaniyang karapatan upang gawin ang isang bagay na sa akala natin ay lalung makakabuti sa sitwasyon. Pero ang nakikita ko ay taliwas at hindi angkop sa tuwid na daan. Subali't sa kabila ng mga naglalabasang pagsira sa pagkatao ni VP Binay - nanatili paring mahinahon ang pangalawang pangulo - sa kabila na niyuyurakan na ang kaniyang civil rights hindi parin niyang magawang magwala sa gitna ng nakakapanindig-balahibong mga akusasyon laban sa kaniya. Taas noo parin niyang ginagampanan ang kaniyang mga tungkulin bilang pangalawang pangulo ng Perlas ng Silangan. Sa gitna ng pag-uusig sa kaniya - taas noo siyang nakikisalamuha sa mga taong nangangailangan ng kaniyang tapat na paglilingkod. Ang sumasagi sa isipan ko ngayon ay naghahabol ng oras ang mga kalaban ni VP Binay para sa 2016 election. Ilan tulog nalang kasi election na. Kaya ang mga kalaban ni VP Binay ay kaliwa't kanang gumagawa ng iba't-ibang pamamaraan para ang pagtakbo ng pangalawang pangulo ng Pilipinas sa 2016 presidential election ay mapigil kasabay ang pagsira nila sa kaniyang pagkatao sa harap ng milyon-milyong botanteng pinoy. Kitang-kita ang ebidensha: hindi pa natatapos ang Overpriced na Makati Building 2 - isinunod agad ang Binay Hacienda sa Batanggas at sa kabila na wala paring linaw meron na naman sumunod ang patungkol naman sa Pinakamahal sa buong bansa na High School Building sa Makati.
Ngayon tatanungin ko kayo mga kabayan: Ang mga akusasyon ba kay VP Binay ay sapat na para mawalan kayo ng respito at paggalang sa Pangalawang Pangulo ng Pilipinas? O ang mga aligasyong ipinupukol kay VP Binay ay magbibigay daan upang sa 2016 election siya ang pipiliin ninyo at itatanghal na Bagong Halal na Pangulo ng Perlas ng Silangan? Can't wait to read more? Or maybe feeling even just a little entertained? If so I hope you please consider clicking the share and like buttons below. Thanks much!
2 Comments
elizabeth ragrag
2/7/2016 04:43:30 am
ganyan cla manggipit ng isang tao....may hinahangad kc clang pang personal na ambisyon tulad ni trillanes cayetano at guingona mga walang kwentang senador wala clang makukuhang boto sa makati at sa buong pilipinas....
Reply
2/7/2016 05:40:06 am
Taos puso po akong nagpapasalamat sa iyo Ms. Elizabeth, sa pagbibigay ng iyong panahon na bisitahin itong aking munting blog at nawa'y may kasunod pa pong pagkakataon na kayo ay muling bumisita sa aking munting dampa. Welcome po.
Reply
Leave a Reply. |
Click to set custom HTML
Ping ItClick to set custom HTML
World Population ClockAuthorWeb content creator, on-line marketer, products and services promoter, on-line writer and Filipino Blogger Philippines Broadsheets EnglishBusinessMirror
BusinessWorld Malaya Manila Bulletin Philippine Daily Inquirer The Daily Tribune The Manila Times The Philippine Star The Standard Philippines Tabloids English/TagalogArchives
October 2017
|